Sunday, January 22, 2012

Labin-isang buwan

Paano kung labin-isang buwan na lamang ang itatagal natin dito sa mundo?
Wala ka bang gagawin para masulit ang mga huling araw mo?
At habang nag-aaral ka at gumagawa ng mga bagay na hindi mo naman gusto.
Unti-unti kang tumatanda at di mo namamalayan to.

Natanong mo na ba sa sarili mo kung ano ba talaga ang gusto mo?
Nagawa mo na bang sulitin ang mga oras at sandaling binigay sayo ng Diyos?
Nahanap mo na ba ang tunay na kaligayahan mo?
Handa ka na bang lisanin ang mundo na nakagisnan mo?

Ngayong Umaga

Lumilikha ng bituin sa mga salita
Tantiyadong mga galaw sa pananabik sinta
Pitong hakbang papunta't pabalik
Ninanais mong salubungin ng yakap at halik

Masiglang labi na pilit sumasayaw
Napag-isipan ng kanyang pagbitaw
Pruweba ng namumuong lumbay
Walang hanggang paraan ng paghintay

-7mins 24secs