Sunday, January 22, 2012

Ngayong Umaga

Lumilikha ng bituin sa mga salita
Tantiyadong mga galaw sa pananabik sinta
Pitong hakbang papunta't pabalik
Ninanais mong salubungin ng yakap at halik

Masiglang labi na pilit sumasayaw
Napag-isipan ng kanyang pagbitaw
Pruweba ng namumuong lumbay
Walang hanggang paraan ng paghintay

-7mins 24secs

No comments:

Post a Comment